12 BAGAY NA NAKASISIRA SA ATAY (LIVER) | Health - RenzTvInfo
12 bagay na nakakasira sa atay - health tips |
Atay ay ang pinakamalaking organ sa ating katawan, nagtatanggal ng mga toxin, ni-rerepair ang katawan at pagbuo ng dugo ay kailangan ng atay natin.
1. MAHINA UMINOM NG TUBIG
- Maaaring ma-dehydrate kapag mahina uminom ng tubigpati ang atay ay nahihirapan. Dapat well-hydrated para magfunction ang atay natin.
- Eight to 12 glasses of water in a day (average adult) ang dapat ma consume.
2. PAG-INOM NG ALAK
- Mas malakas uminom ng alak, mas nakakasira sa atay. Ang mga gamot na iniinom ng tao ay minemetabolized sa atay at kapag iinom pa ng alak, ito ay nagdudulot ng dobleng hirap sa atay.
- Ang over alcohols consumption ay pwedeng umabot sa alcoholic liver cirrhosis.
- Tumitigas din ang atay dahil sa pag-inom ng alak.
- Masama ang epekto ng alak sa puso, utak, at atay.
3. PANINIGARILYO
A.) Hindi lang sa baga magkakaroon ng masamang epekto ang paninigarilyo kundi pati na rin sa atay dahil may oxidative stress ang usok ng sigarilyo na nagpapahirap din sa atay.B.) Maraming kemikal na nakakasira sa paninigarilyo tulad ng nicotine, tar, at lahat ng bagay kasama na ang first, second, at third hand smoke.
- FIRST HAND SMOKE - Ikaw ang naninigarilyo.
- SECOND HAND SMOKE – Iyong kasama mo ang naninigarilyo.
- THIRD HAND SMOKE – Halimbawa ay naninigarilyo ang tatay at nanay sa bahay ng walang bata. Nang pumunta na ang bata, nalanghap niya ang nahuhulog na particles ng sigarilyo. Kapag may naninigarilyo halimbawa nalang sa kwarto, nanatili ang particles sa loob tulad sa kama at hinahawakan at dinidilaan ng bata, ito ay magiging third hand smoke na puwedeng maging sanhi ng fatty liver.
4. OVERWEIGHT
- Masama siya sa atay katulad ng pag-inom ng alak. Kapag sobrang taba, maaaring mauwi sa liver cirrhosis at fatty liver.
5. HIGH SUGAR DIET
- Iwasan ang matatamis dahil nahihirapan ang atay.
- Ang fructose halimbawa ay softdrinks, junkfoods, at iba pang pagkain na maraming fructose na parang sugar consumption ay nakakasira sa atay.
6. HEAVY DINNERS
- Sobrang daming kinain kapag gabi ay maaari kayong bangongotin.
- Mataas sa mantika, process food. Hindi lang masama sa katawan, sa overwight, pwede pang bangongotin na hindi rin maganda para sa atay.
7. TRANS FAT HEAVY DIET
- Kapag fatty foods ang kinakain, magkakaroon ng fatty liver. Twenty to 40 percent ay nagkakaroon ng fatty liver at tataas ang cholesterol. Kapag nagkataba ang atay, pwede itong umabot sa cirrhosis. Titigas ang atay at magkakaroon ng maraming komplikasyon.
8. UNSAFE SEX
- Pwedeng mahawa sa hepatitis (A, B, C).
9. MGA INIINOM NA GAMOT
- May ilang gamot na iniinom nab aka makasira sa atay.
- Halimbawa ang paracetamol, minsan na ooverdose.
- Kahit may herbal supplement, merong mga kemikal na nakakasama sa atay, o mga pesticide.
10. STRESSFUL LIFESTYLE
- Kapag stress,maraming organs ang nasisira.
11. PALAGING NAKAUPO AT WALANG EHERSISYO
- Malaking bagay ang pag-eehersisyo sa ating katawan. Pinapawasan at nadedetoxify pati ang atay.
12. MGA TAO NA HINDI SUMASANGGUNI SA DOKTOR
- Merong liver check-up.
- Pagpapa-ultrasound ng tiyan kung saan makikita sa atay kung may cyst o bukol ba o hindi kaya liver cancer.
- Pag check ng blood test.
MGA PAGKAING NAKAKABUTI SA ATAY:
- Green leafy vegetables
- Isda
- Olive oil
SAMPUNG SINTOMAS NG SERYOSONG LIVER DISEASE
- LUMALAKI ANG TIYAN
- SUMASAKIT ANG TIYAN
- NAGBABAGO ANG BALAT (minsan may rashes o di kaya nagpapasa)
- JAUNDICE O PANINILAW
- PAGBABAGO NG KULAY NG IHI AT DUMI
- WALANG GANANG KUMAIN AT NAGSUSUKA
- NAGMAMANAS ANG TIYAN AT ANG PAA
- WEAKNESS AND FATIGUE
- NAGBABAGO ANG UGALI
- FLU-LIKE SYMPTOMS
Post a Comment