SEARCH MORE BELOW

HANGGANG CRUSH NALANG BA? | Tagalog Love Stories - RenzTvInfo

HANGGANG CRUSH NALANG BA? | Tagalog Love Stories - RenzTvInfo



    Hello Boss Renz ako nga po pala si Kyla at nais ko lang po sanang ibahagi sa iyo at sa mga tagapagbasa, ang aking kuwentong pag-ibig noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Apat na taon na ang nakakaraan noong ako ay nasa unang taon sa kolehiyo, sobrang kinakabahan po ako Boss Rens dahil wala po akong kakilala at mahiyain po ako. Di nagtagal, may lumapit sa akin na binata na ang pangalan ay Ken na kaklase ko at naging matalik kaming magkaibigan. Tabi kami sa upuan, sabay kaming kumakain sa kantin, at hinahatid niya ako sa apartment tuwing uwian namin. Habang tumatagal, nahuhulog na ang loob ko sa kanya dahil palagi siyang nasa tabi ko kapag may problema ako pero hindi ko sinasabi sa kanya ang aking espesyal na nararamdaman dahil baka lumayo siya sa akin. Isang araw, naglaro siya kasama pa ng iba naming kaklase ng Truth or Dare at ng siya na ang taya, pinili niya ang Truth.


"Sino ang crush mo sa classroom?" tanong ni Carlo, isa sa mga kaklase namin.


    Matagal bago sumagot si Ken, habang ako na nasa kabilang mesa ay naghihintay lang sa sagot niya. Di nagtagal, inangat niya ang kanyang hintuturo at itinuro sa direksyon ko. Halos nagkamayaw sa sigaw ang mga kaklase namin habang ako naman ay yumuko at tinakpan ang aking mukha dahil sa hiya. Pagkatapos ng laro, nilapitan agad ako ni Ken.


"Kyla pasensiya ka na ha? Ikaw ang pinili ko kasi ikaw lang close ko dito eh" paliwanag ni Ken.

"Ayos lang iyon Ken. Naiintindihan ko" sagot ko naman.


    Ewan ko ba Boss Rens pero parang nasaktan ako noong sinabi niya iyon sa akin pero kahit ganun, patuloy pa rin ang pagkakaibigan namin. Natapos na ang 1st semester namin, at pagkatapos ng ilang buwan, pasukan na sa 2nd semester at ang nakakalungkot lang, hindi na kami magkaklase ni Ken. Pero kahit ganun, paminsan-minsan, sabay-sabay pa rin kaming kumakain hanggang sa isang araw,

"Kyla may gusto akong sabihin sa iyo" excited na sabi ni Ken. 

"Ano iyon Ken?" sabi ko.

"May gusto ako kay Claire iyong kaklase ko na pinakilala ko sa iyo isang araw. Liligawan ko na siya." kuwento ni Ken

"Agad-agad? Alam niya ba na may gusto ka sa kanya?" tanong ko

"Oo alam na niya at pumayag na rin siyang ligawan ko siya" sabi ulit ni Ken.

"Okay. Goodluck sa iyo Ken" sabi ko.



    Matapos ang pag-uusap namin ni Ken, madalang na kaming magkita dahil busy sa school activities, assignments, at siyempre busy si Ken sa panliligaw kay Claire. Isang araw, habang ako ay nasa apartment, biglang tumunog ang aking mobile phone.



"Hello?"

"Nak, ang mama mo ito"

"Ma, bakit ka napatawag?" tanong ko kay Mama.

"Gusto ko lang sabihin sa iyo na sa next sem, dito ka muna mag-aral malapit sa atin dahil may problema tayo sa negosyo. Pasensiya ka na anak, kung biglaan ha?" paliwang ni Mama

"okay lang Ma naiintindihan ko po. Mas mabuting diyan muna ako mag-aral malapit sa atin para din po maaalagaan ko kayo. Sige na Ma, may pupuntahan pa po ako . Bye Ma!" sabi ko 

"Sige anak, mag-iingat ka". sabi ni Mama.





    Nang sumunod na mga araw, busy ako sa pag-aayos ng requirements ko para mapaghandaan ko ang aking pagliluoat next sem. Hindi konpa sinabi kay Ken ang tungkol dito dahil naging busy kami pareho. Isang araw, habang papalabas ako ng school clinic, may nakita akong lalaking nakatalikod sa di kalayuan. Alam ko na si Ken iyon. Lalapit na sana ako pero bigla siyang lumingon sa kanyang kanan at nakangiti. Iyon pala, nakita niya si Claire at niyakap niya ito. Pagkatapos nun, hinawakan niya ang kamay ni Claire at naglakad sila ng sabay.


    Sobrang sakit nun Boss Rens hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako. Natapos na ang sem at kinokontak na ako ni Ken dahil may nais daw siyang sabihin sa akin. Kailangan daw naming magkita. Nagkita kami ni Ken sa isang kainan sa tapat lang ng aking apartment.



"Kyla! kumusta ang dalang na nating magkita. Pasensiya ka na ha dahil conflict na kasi tayo sa schedule tapos may isa pa akong inaasikaso" sabi ni Ken

"ayos lang Ken. ako din naging busy rin. Ano na pala iyong sasabihin mo sa akin? Mabuti nalang at nagkita tayo ngayon dahil may sasabihin din ako sa iyo" sabi ko.

"Okay ako muna. Kyla! kami na ni Claire. Two months na kami. Sasabihin ko sana sa iyonng maaga kaso naging abala ako sa projects eh." masayang sabi ni Ken.

"Congrats Ken. Finally sinagot ka na rin ni Claire. Happy ako for you. Ingatan mo siya ha?"

"Oo Kyla. Sana siya na! Teka, may sasabihin ka diba? Ano iyon?" tanong ni Ken

"Lilipat na ako sa amin next sem Ken" sabi ko.


    Kinuwento ko sa kanya simula sa tumawag si Mama sa akin hanggang sa pag-asikaso ko ng requirements.



"Pasensiya ka na Kyla kung hindi kita natulungan. Pero promise ko sa iyo na sa pag-araw ng pag-alis mo, sasamahan kita papunta sa terminal" pangakong sabi ni Ken

"Okay Ken Salamat. Mag order na tayo, gutom na ako eh" sabi ko kay Ken.



    Umorder na nga kami at kumain. Pagkatapos, hinatid niya ulit ako sa apartment. Matapos ang ilang linggo, araw na ng aking pag-alis, hindi naman ako binigo ni Ken, hinatid niya talaga ako sa terminal.



"Gusto ko sanang sumabay ni Claire para magkausap at magkakilala kayo ng lubusan kaso may inaasikaso siya" paliwang ni Ken.

"Ayos lang Ken. may social media namin eh pwede niya akong e add sa Facebook" sagot ko naman kay Ken. Pero deep inside Boss Rens, masaya rin ako kahit wala si Claire kasi atleast solo ko kahit papaano si Ken, kahit sandali lang.

Nang sasakay na ako ng bus, niyakap ako ni Ken at sinabing:



"Mag-iingat ka Kyla ha? Kung may problema ka, just text me. Thank You for being my bestfriend, the best ka talaga" sabi ni Ken.

"Opo. Sige na Ken, nakakahiya sa ibang pasahero oh. Hinihintay ako" pabirong sabi ko.



Matapos ang yakapan, sumakay na ako sa bus at nagpaalam na kay Ken.



    Tuloy-tuloy pa rin ang kumunikasyon namin ni Ken at pati na rin si Claire. Kahit masakit, secret admirer ko lang talaga si Ken. Matapos ang apat na taon, graduate na kami. Si Claire at Ken ay nasa Canada na, nagtatrabaho at engage habang ako, andito pa rin sa Pinas, nagtatrabaho na rin. May nanliligaw pero wala pa muna akong balak magka boyfriend. Tsaka na siguro kapag kinasal na si Ken. Salamat sa pagbasa ng aking confession Boss Rens. God bless!


Post a Comment

Previous Post Next Post
Popular Post