ANO ANG SINTOMAS NG URIC ACID AT GOUT | Health - RenzTvInfo
Health tips sa uric acid at gout at ang sintomas |
Uric Acid at Gout. Sintomas: Matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa o kamay, at tuhod. Para malaman kung ang nararamdamang sakit ay gouty arthritis, kailangang sumailalim sa blood test para malaman ang level ng uric acid nito. Kapag mataas ang level ng uric acid, gout ang dahilan ng iyong arthritis.
PAALALA: IBA ANG GAMUTAN NG GOUT SA ORDINARYONG ARTHRITIS LAMANG.
Ang mga sumusunod ay ang mga bawal kapag may gout:
- Sa mga gulay, ang pagkain ng asparagus, cauliflower, mushroom, at spinach ay kailangang bawasan dahil mataas ito sa uric acid.
- Bawasan din ang kumain ng oatmeal at whole grain cereals.
- Iwasan ang pagkain ng mga lamang-loob (bituka, atay, utak, puso, at kidneys), sisig, sardines, tunsoy, tamban, dilid, bagoong, at tahong.
- Mataas din sa uric acid ang gravy, patis, at lechon liver sauce.
- Umiwas sa pag-inom ng beer at alak.
Ang mga sumusunod ay ang mga dapat kainin:
- Puwede ang kanin, mais, kamote,itlog, gatas, berdeng gulay, at prutas.
- Nakakatulong din ang kumain ng strawberries at pineapple.
- Uminom ng 8-12 basong tubig araw-araw.
Para sa gamot:
- Hindi na sapat ang pagdidyeta sa pagkain.
- Kaiangang mapanatili ang pag-inom ng gamot para bumaba ang uric acid levels sa dugo.
- Allopurinol o Febuxostat tablet ang nireresita ng doctor.
- Bawat araw depende sa taas ng iyong uric acid.
- Inumin ito araw-araw para hindi umatake ang gout.
Post a Comment